Ang Aking Dakilang Ina

Ang Aking Dakilang Ina

Maligayang Araw ng mga Dakilang Nanay! 🙂

Maraming salamat sa pag-aaruga sa aming limang magkakapatid.

Ngayon na malalaki na kami at mayroon ka ng apat na lisensiyadong mga anak (Psychometrician, Nurse, Doctor, at Engineer), naririyan ka pa rin sa aming piling bilang tagapayo, tagapagbigay moral sa tuwing kami ay may pinagdaraanan, nagiging punong abala sa mga okasyon ng pampamilya, katuwang sina Tita Florence at Tita Bhe, tagapangalaga ng iyong unang apo kay Dave, nagbibigay ng boluntaryong serbisyo sa ating CUFI family, isa kang mabuting kaibigan at mabuting kamag-anak. Tunay kang maaasahan! 🙂

Lisensiyado

Ang iyong pagsakripisyo sa amin para tutukan kami sa aming pag-aaral mula Nursery hanggang Kolehiyo, maging sa aking masteral at sa pagdudoktor ni Jake ay isang kahanga-hangang gawain. Ang iyong tinig ng pag-aalala kapag kami ay nagkakasakit at kapag nakikita mo kaming subsob sa pag-aaral hanggang kami ay makatulog, ay aming pinasasalamatan. Hindi lahat ng ina ay may napakahabang pasensiya upang intindihin ang limang anak na may kanya – kanyang ugali, sumpong, at pangangailangan, subalit naririyan ka. Isipin man ng iba na makulit ka, overprotective o kung ano pa man, subalit, natural lamang iyon dahil siyam na buwan mo kaming dinala sa iyong sinapupunan at ang mundong aming ginagalawan ay puno ng mga hindi inaasahang mga pangyayari.

Handa kang magpatawad at matatag na indibidwal – isa sa mga katangian na hinahangaan ko at ng mga taong malalapit sa iyo. At ang iyong natural na kulit at pagpapatawa ang nagpapagaan sa pakiramdam sa tuwing kami ay dumarating sa ating tahanan, at pinupuno mo ang ating pamilya ng puspos na pagmamahal, dagdag pa ang masarap na pagkain sa hapag kainan. 🙂

Sa lahat ng iyong mabubuting kaugalian, pananaw at dakilang hangarin para sa ating pamilya, samahan at sa ating komunidad, nagpapasalamat ako. Ang galing ng Dakilang Lumikha dahil ikaw ang aming naging Ina. Mahal na mahal ka namin at ng lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo. Totoo ka sa iyong nararamdaman at likas mo itong ipinapakita sa amin. Ang iyong tapat na pagmamahal ang dahilan kung bakit tunay kaming umiibig sa aming mga minamahal. Naging masayahin kaming indibidwal dahil sa iyong wastong pagpapalaki sa amin, sa iyong pagbibigay ng tamang motibasyon sa lahat ng aming mga ginagawa.

Mahal na mahal ka namin Nanay. Tunay kaming pinagpala dahil ikaw ang aming Inay.

Mama and Papa

Maligayang araw ng mga Nanay, Ina, Mama, Mommy sa inyong lahat! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s