Paggunita sa Ika-119 Taon ng Unang Sigaw sa Balintawak

NCCA: Sagisag Kultura

Nagkaroon ako ng boluntaryong pagtuturo noong Agosto 23, 2015 bilang Paggunita sa Ika-119 Taon ng Unang Sigaw sa Balintawak. Ang pagtatapos ng aking espesyal na pag-aaral ay inawit namin ng mga tagapakinig ang awiting

Sagisag Kultura: Filipino Ako, Filipino Tayo

Itong awiting ito ay sumasalamin sa Kultura at Pamanang Filipino.

Nais kong ibahagi ang video at lyrics nito.

Slide4

Sagisag Kultura: Filipino Ako, Filipino Tayo

Christine Joyce Villanueva
Christine Joyce Villanueva

Ako ay Filipino

Lahing matapang,

Lahing matalino.

Nalakbay ko na ang mundo.

Walang unos o bagyo sa aki’y gugupo,

Lahi ng matatag

Ako ay Filipino.

NCCA Photo 

Ako ay Filipino

(Ako’y maka-Diyos)

Ako ay Filipino

(Ako’y maka-tao)

Saan man makarating

Sino mang makapiling

Aangat ang galing

Habambuhay, Filipino.

SK5 

Pitong libo’t sandaang mga isla

Magkakahiwalay ngunit nagkakaisa.

Tahanan ng aming lahi,

Mga pook na aming minimithi.

Puno ng kasaysayan,

Puno ng hiwaga

Sa mga lugar na ito nakatanim

Ang ugat ng pagka-Filipino.

SK6 

Ako ay Filipino

(Ako’y maka-Diyos)

Ako ay Filipino

(Ako’y maka-tao)

Saan man makarating

Sino mang makapiling

Aangat ang galing

Habambuhay, Filipino.

 

SK3

Kami ang lahing kayumanggi

Mula sa bughaw na langit at dagat

Mula sa pulang animo’y dugo

Hinalo sa dilaw na araw at bituin.

SK1 

Yan ang kulay ng katatagan

Yan ang kulay ng kagitingan

Buong tapang na sumisigaw

Yan ang Filipino.

SK9 

Ako ay Filipino

(Ako’y maka-Diyos)

Ako ay Filipino

(Ako’y maka-tao)

Saan man makarating

Sino mang makapiling

Aangat ang galing

Habambuhay, Filipino.

Launching of the 1st National Youth Forum on Heritage
1st National Forum on Youth Heritage

 

Ito ma’y dala ng pagkakataon,

O sadyang binuo’t naging okasyon,

Pagdiriwang ang aming kasiyahan,

Ipinagbubunyi ang kalayaan,

Pinupuri ang katapangan,

Kapanganakan, pag-iisang dibdib,

Pagbabalikbayan o talinong nagtatagisan,

Ipagdiwang natin ang pagiging Filipino.

 

Slide2

Ako ay Filipino.

(Ako’y maka-Diyos)

Ako ay Filipino.

(Ako’y maka-tao)

Saan man makarating,

Sino mang makapiling,

Aangat ang galing

Habambuhay, Filipino.

NYFH2 

Sa kahoy, bato at metal inuukit

Sa tula’t musikang aming inaawit

Mga aral mula sa aming ninuno,

O panaghoy ng umiibig na puso.

NCCA photo
NCCA photo

 

Mga gawang kamay at kathang-isip

Mga bagay at obrang nilililok,

Pinipili at pinipino

Sagisag ng Filipino.

Slide63 

Ako ay Filipino

Lahing matapang,

lahing matalino.

Nalakbay ko na ang mundo.

Walang unos, walang bagyo sa aki’y gugupo,

Lahi ng matatag,

Ako ay Filipino.

Slide76 

Ako ay Filipino.

(Ako’y maka-Diyos)

Ako ay Filipino.

(Ako’y maka-tao)

Saan man makarating,

Sino mang makapiling,

Aangat ang galing

Habambuhay, Filipino.

Slide6

Lyricist: Nelson Cruz
Composer/Arranger: Roy del Valle

FACEBOOK: https://www.facebook.com/NCCAofficial

Slide5

Paggunita sa  Ika-119 Taong ng Unang Sigaw sa BALINTAWAK

*Sa tuwing nagbabalik-tanaw tayo sa nakalipas, hindi maiiwasang mapukaw ang ating damdamin sa mga naging karanasan at pinagdaanan ng ating magigiting na bayani, at hindi maiwasang maging emosyonal lalo na sa paghahandog sa mga dakilang bayani ng mga awiting makabayan. Kaugnay ng programang ito, naipalabas rin ang trailer ng pelikulang Heneral Luna na naglalayong maghikayat sa mga magulang at estudyante na suportahan ang pelikulang makabayang ito. Maraming salamat po sa mga dumalo at nakibahagi sa buong araw na paggunita, sa chefs na naghanda ng aming pagkain mula agahan hanggang hapunan, kay Lolo Felipe sa kanyang pagbahagi ng kanyang kathang tulang makabayan, at sa lahat ng tumulong upang maisagawa nang maluwalhati ang okasyong ito.

Slide7

* Nagpapasalamat po ako sa aking mga kaibigan at sa mga ideya at dokumento ng aming espesyal na pag-aaral. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong adhikan sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon at pagbibigay ng inspirasyon. Patnubayan nawa tayo ng ating Dakilang Lumikha.

 Slide8

Jennifer Francia P. Villanueva, RPm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s