KABATAANG PILIPINO: Ano ang Gampanin mo sa mga Pamanang Kultura ng Pilipinas?

Launching of the 1st National Youth Forum on Heritage

Nais kong ibahagi ang mga kaalamang aking natutunan sa paglulunsad ng 1st National Youth Forum on Heritage. Ito ay introduksyon at ang national youth forum ay gaganapin sa November 11-14, 2015 sa Mt. Makiling.

Adrian Lee Magtalas

Mr. Adrian Lee Magtalas

Mga Mensahe mula sa Tagapagdaloy

“Kaya natin isinasagawa sa Pampanga, particularly sa Central Luzon, ang launching ng ating National Youth Forum on Heritage ay bilang pagkilala sa orihinal na may ideya nito, ang The Outstanding Students of the Philippines Region III Alumni Community of Heroes, since 2011 ay pinaplano na po ito. Kumbaga symbolical ito, ibinabalik natin sa kanila sa Central Luzon dahil sa kanila nanggaling yung ideya ng Youth Forum, kahit pagkilala man lang, at napili namin ang Angeles, particularly ang Center for Kapampangan Studies, bilang isa sa mga nangungunang tagapagsulong ng lokal na kultura ng kasaysayan sa Pilipinas at upang ipakilala sa atin na hindi lamang sa Maynila itinataguyod ang kultura at kasaysayan –  maraming mga mumunting alon sa iba’t ibang lalawigan na pwedeng makagawa pa ng malaking alon o daluyong para sa ikatataguyod at ikauunlad pa ng pamanang kultura ng Pilipinas at kailangang isaad natin ang papel ng Kabataan bilang tayo ang mga tagapagmana nito – may mga kumikilos na para sa atin, pero anong gagawin natin bilang mga bata sa mga pamanang ito?

Tinatawag nating KAYAMANAN ang PAMANA, pero tine-treasure ba natin ang mga pamanang ito, kahit man lang ma-appreciate natin itong mga ibinigay sa atin – dahil tayo ang magpapasa sa mga susunod sa atin nitong mga bahagi na ito ng pagka-Pilipino natin.

Napakaespesyal rin po ng umagang ito dahil ngayon po ay ginugunita natin ang ika-25 anibersaryo ng lindol sa Central at Northern Luzon at hinihiling ko rin po sa lahat na tayo ay magkaroon ng isang minutong katahimikan para sa mga namatay sa Gitna at Northern Luzon noong lindol po ng 1990.

ISANG MINUTONG KATAHIMIKAN

midflield wordpress

(mula sa midfield wordpress)

 

Paghahawi ng Tela

DSC01919

Nasa Logo ang Iconic landmark ng Philippine High School for the Arts na siyang host ngayong taong ito sa November.

DSC01922

DSC01923

Application of Youth Forum

Ang National Youth Forum ay gaganapin sa November 11-14, 2015 sa Mt. Makiling sa Sentro ng Sining ng Pilipinas (Philippine High School for the Arts).

DSC01926

Facebook: www.nyfhph.com

Sa ibang bansa, nag-iinspire na po ng mga youth advocates sa pangunguna ng UNESCO na magkaroon ng Heritage Youth Forum. Sa buong Asya, ang Japan, Cambodia, at India pa lang ang mayroong Youth Forum, sa Pilipinas, for the first time magkakaroon ng Youth Forum on Heritage. Marami po tayong mga National Youth Parliament, National Youth Commission, TOSP, marami pong ibang samahan at avenue na pwedeng makapag-interact ang mga kabataan pagdating sa mga problema sa lipunan o anumang isyu na may kinalaman ang  mga kabataan, pero parang hindi napag-uusapan ang HERITAGE pagdating sa mga kabataan? May mga initiatives, may mga samahan, kagaya ng Katatagan sa Pampanga na nagsusulong ng Pamanang Kultura ng WIKA at KASAYSAYAN, bakit hindi natin sila pagsama-samahin? Isang gathering, kumustahan, ano ba ang pwedeng matutunan ng mga kabataang mula sa Pampanga sa mga kabataan ng Batanes, ng mga kabataan mula sa Camarines Sur mula sa mga kabataan ng Cebu?

For four (4) years, ito po ay isinaayos, plinano, at sa tulong po ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Philippine High School for Arts at ng RFM Foundation, nabuo po ang programang ito. LIBRE po ito sa mga makakapasa, 4days accommodation, ang dadalhin niyo lang po ay SARILI niyo, ang PUSO ninyo at ang mga pwede ninyong itaya o i-share sa mga kasama nating delegado.

DSC01925

Ito ay isang pagkakataon sa mga kabataan na nagsusulong ng kultura at kasaysayan na makipag-dialog rin sa mga national cultural agencies like National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historial Commission of the Philippines (NHCP), Cultural Center of the Philippines (CCP), National Museum, Komisyon sa Wikang Pilipino, Heritage Conservation Society, National Youth Commission – lahat ng may kinalaman sa PAMANANG KULTURA.

Kasama rin natin ang Philippine Institute of Civil Engineers dahil balang araw, ang mga inhinyero natin ang mangangalaga sa mga structures natin, ang mga kaparian at mga seminarista, ang mga kabataang sundalo – pagdating sa armed conflict, ano ang mga dapat gawin ng mga sundalo sa mga heritage sites kapag nagkaroon ng giyera? Pati sa medical profession – paano ipagmi-meet ang heritage at ang science?     

Ano ba ng nais matumbok o goal ng NYFH?

DSC01927

Maraming paraan ng pagtulong sa bayan, at isa roon ang pagpo-promote at pagko-conserve ng kultura at nais din nating palawakin pa ang awareness ng kultura sa iba pang mga sektor ng kabataan.

DSC01928

Ang Youth Forum na ito, hopefully maging biennial, at sa loob ng dalawang (2) taon, ito po ang nais nating makamit na agenda:

  1. ACTION – Ito po ang concerted effort ng mga aattend na delegates, kung ano ba ang pwede nating magawa sa ating community, magkakaroon ng network ng young advocates at cultural workers.
  2. COMMUNITY – Hindi lang tayo sabog, after ng forum, ano ang mangyayari? Sana mayroon pang follow-up activities, huwag lang sana matapos sa Makiling ang mga mangyayari.
  3. LINKAGE – Makikipag-usap po tayo sa iba pang mga sektor ng kabataan.
  4. PARTNERSHIP – Kailangan natin makipag-usap sa iba pang cultural agencies bilang sila talaga ang stakeholders ng kultura ng Pilipinas at makatulong tayo sa youth program ng NCCA, NHCP, CCP, National Museum.
  5. EDUCATION – Ito ang puso ng Youth Forum, mapalawak pa ang kamalayan sa kultura at kasaysayan.
  6. RESEARCH and DOCUMENTATION – Maraming may interes sa kasaysayan at kultura, paano natin sila mae-equip pa – paano makapunta sa National Archives kung gagawa sila ng Local History? Isa iyon sa maaari nating maitulong sa kanila at pwede tayong matuto sa iba pang mga delgado, may mga researchers from different provinces na pwedeng makatulong sa pagyabong pa ng awareness ng National History.

DSC01929

Isinusulong po ng National Commission of Culture and the Arts at ng iba pang cultural agencies ang Philippine Registry of Cultural Properties, online siya, na sana every barangay, every town, every city, every province, naroroon ang mga cultural properties, for example: vanishing folk arts, boat building technology, sana may repository, para hindi na kailangang pumunta pa sa Maynila para mag-search, dahil andun na ang mga detalye, at pwedeng makatulong ang mga kabataan para madagdagan pa ang mga details na iyon tungkol sa ating pagkatao – na ang Pilipinas ay hindi Tagalog lang – na ang Pilipinas ay binubuo ng 180 plus na indigenous groups, na para tayong BANIG na iba-iba ang kulay, na maganda ang Pilipinas, hindi iisa lang ang kulay, maraming kulay.

  1. CHARACTER – Hopefully, kapag na-established na natin ang NYFH, sana bawat isa sa atin ay maging proud carrier label ng NYFH at makibahagi sa mga programa.
  2. SOCIAL MEDIA – Sana ang social media ay mapakinabangan natin nang maayos sa pagpo-promote ng kultura at kasaysayan.

DSC01930

Ang pinakamalaking pangarap ng National Youth Forum on Heritage ay magkaroon ng Philippine Youth Convention on Heritage, isang convention na every province ay represented, parang Congress, gagawa tayo ng resolution na magiging batayan ng mga agencies, na ito ang taya ng mga kabataan – ito ang depinisyon ng kabataan sa PAMANA at ito ang magagawa namin. Sana magkaroon tayo ng

Convention on the Role of the Youth in Safeguarding Cultural Heritage.

DSC01931

Ito po ang mga tema ng pag-uusapan. Hindi po nakapako ang mga heritage sa mga gusali, napakalawak ng heritage, halimbawa: kung paano ka umupo, paano ka kumain, iyan ay imprint ng pagkatao mo, minana mo iyan.

Saan Nagmula ang Tema ng NYFH?

DSC01932

Inspired by Dr. Jose Rizal ang tema ng National Youth Forum, “Entering the Future Remembering the Past” mula sa epigraph ni Rizal sa kanyang 1st play, El Consejo de los Dioses, na isinabuhay naman ni Rizal, na sana habang tayo ay abala sa paghahanda sa kinabukasan, sana matuto rin tayo lumingon.

DSC01933

Ito po ang composition ng delegation, 80 lahat ng delegates na aattend, 54 ay through screening ng application, 3 per region at ang 26 na iba ay pipiliin ng secretariat, pipiliin sa sektor ng kaparian, sa medical practitioners, sa mga engineers, architects, pipiliin ang mga maaaring umupo bilang delgado. Iba-iba po tayo ng profession – hindi lang pang Historian ang kasaysayan.

Qualifications

DSC01934

Bilang pagkilala sa batas, ang pagkilala natin sa youth ay hanggang 30 years old, basta pasok kayo sa edad 18-30 maaari kayong mag-apply, kahit estudyante pa kayo, kahit out of school youth, scholar ng kasaysayan, kultura, professional artist, government official at employees, kahit sino, basta ma-meet ang qualifications.

Dr. Vim Nadera (PHSA)

DSC01935

Tagapagdaloy

DSC01936

Ian Christoper Alfonso

Pinagmumulan rin ng karangalan o pride ang kasaysayan at kultura – kapag lumabas ka ng Pilipinas, paano ma madi-differentiate ang Pilipinas sa buong mundo? Sana makapag-produce tayo ng PILIPINONG doctor, Pilipinong inhinyero at Pilipinong arktitekto na may malalim na pagtingin sa kanyang sarili, sana maging ambassador tayo ng ating bayan, tagapagtanggol ng ating bansa at kahit nasa loob tayo ng Pilipinas, dala-dala sana natin ang mga pamanang ito.

Nasa atin kung paano natin gagawing FUNCTIONAL ang pag-aaral ng kasaysayan at kung paano natin isasabuhay ang pagiging PILIPINO natin.”

– Ian Christopher Alfonso

Pagbibigay ng Pagkilala

DSC01939

DSC01937

Pagkilala sa Pamanang Parol

Ligligan Parol

DSC01944

DSC01947

DSC01949

DSC01951

DSC01954

“Isang makabuluhang araw ang naganap. Bilang mga kabataan, napakalaki ng gampanin natin sa pagpapadaloy ng kamalayan patungkol sa ating pinagmulan, at sa ating kultura bilang Pilipino. Nawa, kahit nasa moderno na tayong panahon, huwag nating talikdan o talikuran ang mga pamana ng ating lahi. Isa sa mga katangian ng mga mauunlad na bansa ay ang kanilang malalim na pagmamahal at pagkilala sa kanilang kasaysayan at kultura, na kahit na sila ay moderno, lagi silang tumatanaw ng pagmamahal sa kanilang bayang sinilangan – na nagturo sa kanila magmahal at mamuhay nang dakila. May magagawa tayo – at isa sa ating magagawa ay kumilos at makilahok sa mga dakilang proyekto ng bansa. Kapag nabuksan ang kamalayang kasaysayan at kultura ng mga Pilipino, makabubuo tayo ng isang bansang matatag, may malalim na pagmamahal sa Inang Bayan at mula rito maaaring maging tanglaw ang bawat Pilipino sa magagandang kaugalian, at saan mang panig ng mundo siya naroroon, dala niya ang dangal ng bansang Pilipinas.

Bilang isang Kabataan, dumalo at makibahagi. Patunayan mong karapat dapat ka sa taguring Kabataang Pilipino.

Jennifer Francia P. Villanueva RPm

DSC01957 DSC01958 DSC01959

 

 

Photo from NFYH and Sir Robby Tantingco

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s