Ang Pag-aaral ng Kasaysayan ay Paghuhubog ng Komunidad

“Iba sa pakiramdam kapag nagbabasa ako ng mga aklat patungkol sa kasaysayan. Tila nananariwa sa aking puso at isip ang mga pangyayari ng nakaraan. Nakakapanindig balahibo. Nararamdaman ko rin na may pag-asa pa, na may magandang bukas na naghihintay sa Pilipinas kapag kumilos ang bawat isa ayon sa kanyang itinakdang CALLING.

Para saan ba ako? Ano ba ng papel na gagampanan ko? Bakit ako naging Pilipino? Paano ko gagawing makabuluhan ang buhay ko? Ano ang maipamamana ko sa mga susunod na salinlahi?”

Isa sa mga ibinahagi ko noong June 13, 2015 sa 1st Batasan Youth Leadership Conference na ginanap sa Batasan SB Park ay:

“Hindi tayo magiging forever young – sa awitin lang iyon. Tatanda rin tayo. Darating ang panahon na tatanungin natin ang sarili kung naging makabuluhan ba ang buhay natin, paano natin na-touch ang buhay ng ibang tao. Bawat isa sa atin ay may innate Servant Leadership – naghihintay lamang ito na kumatok, ang tanong, pakikinggan mo ba? At kung ikaw ay magiging isang leader, what kind of leader you will be?”

Bulakan Pag-alaala sa Biyaya ng Nakaraan
Bulakan Pag-alaala sa Biyaya ng Nakaraan

 Ngayon, nais kong ibahagi ang isang napakagandang aklat na isinulat ng aking butihing kaibigan na si Ian Christopher Alfonso:

BULAKAN: Pag-alaala sa Biyaya ng Nakaraan

Kalikasan, Kasaysayan at ang Parokya

Bilang panimula, narito ang isang tula na kanyang isinulat na pumukaw sa aking damdamin.

Pinagpalang Bulakan

I.

Bayang katangi-tangi,

ako sayo’y pumupuri;

pambihirang kasaysayan

sayo ay nagtanghal.

II.

Ngayo’y iyong inaani

bunga ng pagpupunyagi

ng mga anak mong naghandog

ng tapang, husay at galing.

III.

Ginising mo ang hiraya

ng mga anak mong makata;

pambihirang mga kamay

ng mga pintor mong kay huhusay.

IV.

Minulat mo ang kamusmusan

ng mga dakila’t bayani

sa halaga ng pag-ibig

sa bansang minumutya.

V.

Kalikasa’y sayo humubog,

dinatnan ng iyong mga anak.

Pinanahanan, pinagyaman,

Hinangaan at pinaglaban.

VI.

Ngalan mo’y nangingibabaw

sa kasaysayan man o kalinangan

Mabuhay ka, O Bulakan.

Pinagpala ka ng kalangitan.

© Ian Christopher B. Alfonso

 “Isang benepisyo sa akin ng pagbabasa ay mas napahahalagahan ko ang nakaraan, at mula rito, humuhugot ako ng inspirasyon at pag-asa para kasalukuyan at sa hinaharap, naibabahagi ko sa iba ang aking mga natutunan, at ako ay nakapaglilimi (reflect) sa kung ano ang problema at ang aking maaaring maging tugon sa mga ito.

Mahaba at masakit na proseso ang pagmamahal sa bayan.

Pero sa taong nagmamahal, kaya niyang magsakripisyo at maglaan ng panahon, pagod, at pinansiyal (kung kinakailangan).

Maraming unsung heroes ang ating bansa sa kasalukuyan.

Nagpapasalamat ako sa aking mga butihing kaibigang sina

Prof. Michael Charleston “Xiao” Chua

at

 Ian Christopher Alfonso

 Sa kanilang selfless projects para sa ating bansa.

Ipagpatuloy niyo ang inyong mga dakilang adhikain.

Ito ay para sa paghubog sa ating mga susunod pang salinlahi –

Mga Pilipinong may pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kultura, kasaysayan magiging mga responsible at disiplinadong mamamayan.”

Launching of the 1st National Youth Forum on Heritage

Launching of the 1st National Youth Forum on Heritage
Launching of the 1st National Youth Forum on Heritage

Dumalo at suportahan natin ang isa sa mga makabuluhang proyekto para sa ating mga kabataang Pilipino sa darating na Huwebes ika-16 ng Hulyo, 2015 at gaganapin sa AVR 1, 4th floor, San Francisco Javier Bldg, Holy Angel University, Angeles City.

FACEBOOK: https://www.facebook.com/nyfhph

Jennifer Francia P. Villanueva, RPm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s